lunes na naman.isang panibagong simula.
subalit parang wala pa ako sa ulirat para umpisahan ang linggo. dahil kahit nasa harap na ko ng kompyuter at nagsisimula na sa dapat kung gawin sa araw na ito pawang wala pa akong enerheya para magtrabaho ng maayos.bawat buklat nga ng mga pahina ng pad na nasa aking harapan ay humihikab ako.hayyyyyyy, lazy monday talaga.parang gusto pa ng katawan kong humilata,matulog,at magpahinga.dagdag mo pa ang lamig ng panahon dahil sa aircon at ulan sa labas.para tuloy ayaw dumaloy ng maharlika kong dugo sa mga ugat sa aking katawan.
ako lang ba nakakaranas ng ganito? tamad nga lang ba ako?
Hulyo 14, 2008 at 7:36 umaga
ahahaha.. ateng di ka nag- iisa dadamayan kita jan
========
salamat sa po sa pagdalaw..kayo ang aking kauna unahang bisita.