Sabi ng mga SC dito sa opis ( SC as in senior citizen..shhh wag ka maingay!) dati raw kapag ganitong biyernes 20 % lang daw ang kailangang trabahuhin, at dahil friday ngayon gusto kong i-apply yung 20 % . keber kung noon pa yun basta feel kong 20 % lang ang i-exert kung effort today kasi zuperrr tinatamad ako as in. mantakin mo namang 6 days a week- 11.5 hrs a day ang trabaho ko. tao din ako noh,napapagod (naks, ang drama!).
so para masulit ko ang kalayaang itinakda sa aking sarili ay nagsimula ako sa pagbabagong anyo ng aking blog. hayan berdeng berde! with matching girlaloo na nagsasayaw.feeling ko ako sya.mahilig din kasi ako magsayaw mapahiphop,ballroom,interpretative o folk dance pa yan.naalala ko tuloy nung haiskul ako,baranggay fiesta namin,nanalo kami ni sir sa pagsayaw ng chacha.at ang premyo 50 pesos.tuwang tuwa na ko nun.pero ngayon parang wala ng kwenta ang singkwenta dahil sa mahal ng mga bilihin.hayyy..
pagkatapos kong idecorate at lagyan ng kalendaryo ang aking blogsite ay nagbloghopping naman ako hanggang kung saan saan ako napadpad.saya!ansarap talaga maging malaya.at ngayon ko lang nalaman anlawak pala ng blogosphere at andaming talented na manunulat.sari saring kwento.iba’t ibant istilo. ako naman–basa dito,comment doon…syempre bilang newbee gusto kong maging belong
lagot ako nito sa boss ko tambak pa naman ang for qc ko.pero sa monday ko na to iisipan.basta ngayon gusto kong magrelax at magpakasaya!
cheers!
Hulyo 18, 2008 at 11:29 umaga
isa ako sa nabisita mo.
salamat pu sa pagdaan sa aking munting palasyo. siguradong mag-e-enjoy ka sa mundong ito. hope to see more of you soon.
===============
.yaan mo madadalas pagdalaw ko sa iyong palasyo.add kita a blogroll ko ha.
ngayon pa nga lang enjoy na ko
Hulyo 18, 2008 at 11:55 umaga
oy talaga sarap mag blog hopping, kaya nga ayan di ba, nagkakilalanan tuloy tayo
naku sulitin mo nga ang 20% byernes mo. pambihira 11.5 hours a day at 6 times a week pa! sige next friday ulit – you deserve it.
==============
you deserve it! sarap pakinggan sana sabihin din sa akin ng boss ko yan
Hulyo 18, 2008 at 12:40 hapon
uy nalink na rin kita. thanks ha
hanggang sa susunod na kandiritan
==============
tenchu po
Hulyo 18, 2008 at 4:10 hapon
SC tawag mo sa mga oldies.. ako tawag ko sa kanila TanderCats.. hihihi
============
wow TanderCats…binigyan mo ako ng idea..magamit nga yan kasi di obvious.bakit nga pala ThunderCats?
Hulyo 21, 2008 at 6:16 umaga
mabuhay ang malalaya! at mabuhay ang tamad na gaya ko!!! heheheh….
===============
salamat po s apagdaan