umagang-umaga pa lang,ay di na napigilan ni opismeyt na magbida ng kanyang talent.expert daw sya sa pagpapaganda. magaling daw sya manggupit, mangkulot,manicure,pedicure,etcetera. no wonder sabi ko sa sarili ko, bagong gupit na naman ang kinuryente nyang buhok with matching highligths na puti.sign of wisdom daw ba gustong itawag nang matatanda dun?eniweys, hindi naman ang pagshowshowcase nya ng kanyang talent ang humuli ng aking atensyon kundi ang kanyang dakilang pangarap sa kanyang anak na lalaki.lungkot na lungkot at talagang disnayado raw sya dahil di natupad ang kayang adhika sa anak. aba’t malaman laman ko na lang na ang pangarap pala nya ay maging gay ang kanyang anak!hanobe? kung yung iba yamot na yamot at takot na takot maging bading ang kanilang anak si opismeyt naman ay pinagtutulakang maging juding ang anak na lalaki. hay,kunsabagay wala namang masama sa pagkakaroon ng anak na bading,in fairness sa kanila napakatalented at galing mag-organize ng mga events.besides marami nang baklang sikat at mayayaman dahil sa galing nila sa ibat ibang larangan. ah,kaya siguro gusto ni opismeyt maging baklush ang anak nya para maturuan itong magmanicure,pedicure at kulot at maging future ricky reyes .pero haler tama bang ipagpilitang maging bakla ang di naman bakla.possible nga ba yun?? esep esep.
naalala ko tuloy nung nasa highschool ako.sabi ko kay mama ayokong mag-asawa.tuwang tuwa sya. dagdag pa nya mas mapapanatag pa nga raw sya pag nalaman nyang tibo ako. huh? may ganung pangarap si mama sa akin!bakit naman kaya?sa ganda kong to (he..he..syempre libre papuri sa sarili,blog ko to eh!)sabay imagine,ako kasama ang gf kung tisay.magkaholding hands kaming naglalakad habang bitbit ko ang kanyang bag. aww,di ko keri!back to reality.tinanong ko si mama bakit naman nya naisipang maging tibo ako.takot pala syang pagdaanan ko ang mga mapapait na karanasang pwedeng pagdaanan ng mga kadalagahan..
”si mama naman walang tiwala sa akin.wais kaya to.di ako paloloko sa mga lalaki.hindi ako iiyak ng dahil s kanila.silang paiiyakin ko.”
oh di ba, ganda ng sagot ko? pero sa awa ng diyos ay ilang beses na rin ako lumuha, umiyak at ngumuyngoy ng dahil sa lalaki.at di pa ako nadala!
Hulyo 21, 2008 at 9:00 umaga
pambihira naman si opismeyt mudrax, hatawa sa dream ah..hehe para bang ngayon lang ako nakarinig ng ganyan haha. pero ung drim sayo ng mama mo, indi naman siguro niya mean na maging tibo ka..parang para sa kanya, mas ok na tibo ka muna at saka kana mag-bf pag tapos ka na hehe,,,di kaya?
=============
ok sa alright nga ang dream nya..lahat kami di napigilang magreact
Hulyo 21, 2008 at 10:35 umaga
pero sa awa ng diyos ay ilang beses na rin ako lumuha, umiyak at ngumuyngoy ng dahil sa lalaki.at di pa ako nadala!
- irony of life. hehehe
==============
kelangan ba talagang ganun??
Hulyo 21, 2008 at 10:42 umaga
ipinapakita lang ni madir kung gaano ka nya ka love…
=============
siguro nga
Hulyo 22, 2008 at 9:53 umaga
alam mo, kailangan talaga ganun. kasama ang ngumawa dahil sa pag ibig para maging mas makulay ang mundo. nakakakiliti ngang pagkwentuhan kapag binabalikan yung mga ka eng engan natin dahil sa pag ibig di ba? masarap ipulutan yata ang mga ex
==============
masarap ipulutan ang mga ex–cheers!
Hulyo 22, 2008 at 12:48 hapon
mahal kah lang ni mama..este ng mama mo..pero pakisabi sa kanya aalagaan naman kita eh..hehe..(maysakit kaba? aalagaan kita) toinks!
==============
at isa pang toinks!
Hulyo 22, 2008 at 12:49 hapon
uy..batiin mo daw ako sabi ni mama! dun sa bahay ko..
==============
mukha nga atang kailangan kita dalawain,ikaw ata may sakit eh
Hulyo 22, 2008 at 2:51 hapon
ay naku, better to have loved and have been happy di ba? kahit na nga sandali lang eh mas masaya na rin .. pero ha, sigurado ka bang di ka tibo.. aba mukhang mahilig ka sa tisay ah
haler…
weird nga ng opismeyt mo, pero correct ka dyan, talagang talented ang mga bading, siguro kasi carry nila parehong identities, girl and boy! di ba?
===============
ate pokwang di po talaga ako tibo..hindiiiiiiiii !