dahil napakalaki ng naiiambag mo sa buhay ko, pag-aaksayahan kita ng neurons at oras para gawan ng post. oo,ito ay para sa yo.ikaw na nagpaintindi sa akin ng mga salitang plastik, doble kara, fake.

noong unang tapak ko dito sa opisina, marami na ang ayaw sa yo. maraming sinasabing negative sa yo. akala ko puro paninira lang yun kasi maganda naman ang pinapakita mo sa akin. kaya binigyan kita ng chance na maging kaibigan ko. dahil naniniwala ako na kung totoo man ang mga sinasabi nila tungkol sa yo at least mayroon pa ring natitirang kabutihan dyan sa puso mo.

sa kabila ng pag-aalipusta ng lahat sa yo, nanatili ako sa tabi mo. matiyagang nakikinig sa ala-Mahal mong tinig.kahit minsan paulit ulit na at saulado ko na ang mga kwento nakikinig pa rin ako. dahil naaawa ako sa yo. naaawa ako dahil pinagkakaisahan ka ng lahat. dahil inaalipusta ka ng mga inaakala mong kaibigan. ginagawa kang katatawanan.

pero bakit sa kabila ng kabutihang ipinakita ko sayo, ay nagawa mo akong sirain. naalala ko pa, ikaw ang unang tinanong ko kung ano ba ang problema. sabi mo wala kang alam. huli na lang ng malaman ko na ikaw ang puno’t dulo ng lahat.ginawan mo ako ng kwento.bakit? para lumayo sila sa akin at  sayo sumama? ganun ka na ba kadesperada? para magkaroon lang mga ka-close at masabing madami ang kaibigan ay sisirain mo ang ibang tao at gagawan ng kwento na di naman totoo?

noong una ay pilit pa kitang inunawa. inisip ko baka dala lang yan ng hormonal imbalance dahil sa pagkakaalam ko ay malapit ka na sa menopausal stage. iniisip ko rin na baka dahil yan sa kawalan mo ng lovelife sa iyong edad ngayon na mahigit isang  dekada ang tanda sa akin.pero hindi.likas na sa yo ang ganyang ugali. kaya di ko masisi ang iba kung bakit ganyan ang tingin nila sa iyo. sana nga naniwala na ako sa kanila sa una pa lang.dapat sa iyong edad ngayon ay alam mo na ang mga dapat at hindi. dapat marunong ka na ring magpahalaga. dapat alam mo na kung ano ang ibig sabihin ng kaibigan.

kaya wag ka ng magtaka kung bakit dumistansya na ako sa’yo. pagkat ayokong maging plastik sa yo. ayokong magkunwari na ok lang ako sa ginawa mo. gusto kung ipaalam sa yo na lubos akong nasaktan.naiinis ako sa ugali mo. kaya lumayo na ako dahil baka lalo ko pang ipahamak ang sarili ko pag ipinagpatuloy ko pa ang pakikipagkaibigan sa yo. tutal di mo naman ata gusto ang magkaroon ng kaibigan at dahil hindi mo deserve ang aking firendship.

buti na lang matatalino ang mga tao dito at alam kung sino ang dapat paniwalaan.kredibilidad.karakter.yan ang wala ka. kaya tingnan mo ngayon nag-iisa ka na. nasa sulok habang lahat ay nagkakasaya. nahahabag pa rin ako sa yo pero kailagan mong matuto. kailangan mong mapag-aralan kung paano maging isang totoong tao.