isang umagang puno ng pagluha ang araw ko. pagkat nalulungkot at lubos akong nasasaktan. dalawang beses na akong umiyak ngayong linggo at dahil lang sa iisang tao.habang nagdadalamhati ang puso ko dala ng matinding di pagkakaunawaan naisipan ko na ano kaya kung dumistansya na lang ako sa mga taong madalas na nakakasakit ng kalooban ko para di na ako makaranas ng kalungkutan.

“the walls we build around us to keep out the sadness also keep out the joy”

pero mukhang mahirap ang iniisip ko.dahil ang mga taong nakakapagdulot sa akin ng kalungkutan ay sila ring taong nagiging source ng aking kasiyahan.kung lalayo ako sa kanila ay hahanaphanapin ko pa rin ang kanilang presenya.hay irony of life….

ano ngayon ang mainam kong gawin?hahayaan ko na lang bang paulit ulit nila akong saktan?

“we gather strength from sadness and from pain.each time we die we learn to live again”

yan na lang iniisip ko ngayon.afterall di naman nakakamatay ang heartaches.lilipas din to.