hindi ako pharmacist, hindi rin naman ako chemist. isa akong physical therapist. subalit di ko mawari kong bakit ako napadpad sa mundo ng pharmaceutical research.
at dahil sa nature ng trabaho ko, araw araw ay toxic ang utak ko sa iba’t ibang gamot mula pilipinas, indonesia, south africa at thailand.at pagod ang mata ko sa pagbasa ng mga sulat kamay ng mga doktor na daig pa ng kinder kung magsulat. mantakin mo minsan ay first letter lang ang nababasa at the rest ay pawang drawing na lang. ewan ko ba kung parte talaga ng curriculum nila na dapat pangitan ang sulat para sila at pharmacist lang ang makakabasa.pero sori na lang sila dahil gaano man nila pangitan ang pagsulat ay natutukoy ko pa rin ang nais nila ipahiwatig. ehm..gifted ata to. sayang naman ganda ng mata ko kung di ko kayang basahin yan noh
sa ngayon ay naka-focus ako sa philippines. ewan ko ba feeling ko ito ang pinakaboring na project. pinaka feel ko ang south africa dahil bukod sa kunti na ang gamot ay may kwento pa kung bakit binigay ng gamot yun sa pasiyente. halimbawa: drug given: utin 400 mg. desired effect: antibiotic,diagnosis: wound face ( ganyan talaga grammar nila) reason: hit by husband, at my kadugtong na prescription: hit him back! oh di ba cool ni doc. pero isa lang napansin ko sa 4 countries na hawak ko sa south africa talaga ang pinakamaraming diagnosis na HIV at AIDS. kunsabagay sa africa naman talaga ang origin ng mga sakit na yan.
sa ngayon feeling ko ay natupad ko na rin ang pangarap kong maging doktor sa dami ng alam kung sakit at gamot para sa mga sakit na yun. kulang na lang diploma at lisensya pwede na akong magpatayo ng sarili kong klinika.




