since almost one week wala akong post.hayaan ninyong bigyan ko kayo ng pahapyaw sa mga nangyari sa buhay ko sa loob ng linggong ito.
monday:
ito na siguro ang talagang tinaguriang lazy monday in the sense na wala kaming ginagawa sa opis. katatapos lang kasi ng sending namin. nagmistulang arcade at internet cafe ang department namin dahil wala namang ibang mapagbuhusan ng oras.nagblog hopping muna ako sandali, nagtry gumawa ng post ngunit nauwi lang sa draft.nahook ako sa paglalaro ng rocket mania.gusto ko sanang matapos yung laro para malaman kung ano ang pinakamataas na rankong pwede ko maachive.kaso lagi na lang ako nagagame over.
tuesday:
di ako nakapasok dahil sa tindi ng sakit ng ulo.nagstay lang ako sa bahay.nood ng dvd’s.tulog.kain.nood ng tv.tulog ulit. may isang bagay akong narealize,mas at peace ako pag nasa bahay kaysa pag nasa opisina ako. bakit kaya?
wednesday:
back to work.may kunti nang workload sa wakas. pero dami pa ring free time. tried ko uli gumawa ng post. wala pa rin. lahat ba ng blogista ay dumadaan sa ganitong stage. o sadyang ako lang?
thursday:
leave na naman ako.lately medyo tinatamad talaga ako pumasok. nagpunta ako ng sss para magpa-id.sira kasi ang id capture dito sa makati kaya sa manila pa ako nagpunta.sa hapon ay nagstroll ako sa glorietta.natuwa naman ako at sale sa human.nakabili ako ng 2 blouses. buti na lang talaga sale kung hindi magdadalawang isip pa kong bilhin ang mga yun.nang napagod na akong maglibot libot kumain ako sa shakeys,then naggrocery sa sm.dahil medyo madami akong bitbit at malakas ang ulan naisipan kong magtaxi na lang. hayyy ang haba ng pila.isang oras ata hinintay ko bago makasakay.parang gusto pa kong pababain ng mamang driver ng malaman nya ang destinasyon ko, sobrang traffic daw kasi dahil sa baha sa may de la rosa.pero ala syang choice kaya tuloy ang byahe.grabe nga ang traffic.wala kaming malusutan.mukhang umiinit ulo ni manong.samantalang ako ay nagdarasal na sana wag akong pababain.3 oras lang naman ang byahe na dapat 30 minutes lang.at ang dapat 100 plus lang na pamasahe ay umabot ng 300.naglakad pa ako ng ilang metro kasi hindi na talaga umuusad ang mga sasakyan.sarap tuloy ng tulog ko kagabi sa sobrang pagod.
friday:
umuulan na naman.malamig ang panahon.sarap matulog.hirap bumangon.pero kelangan ko pumasok baka masita na ko sa sunod sunod kong leaves.isang slice lang ng pizza breakfast ko pero feeling ko busog na ko.pagdating ko ng opis, may nagbigay sa akin ng isang slice ng chocolate cake.sarap.sweet tooth pa naman ako.pero parang wala akong gana ngayon.dala siguro ng ulan.tuwing umuulan kasi nakakaramdam ako ng di mapaliwanag na kalungkutan.dahil sa anong hormones ba daw yun?…at sa wakas,heto ako sa harap ng pc ngayon nag-uupdate ng aking blog at nagkwewento sa inyo.
sana di kayo nahabaan
Agosto 4, 2008 at 2:38 umaga
nakOw! uso talaga sakit now ano.. saka katamaran hehehe.. dont worry dumadaan din ako sa ganyang stage.. haiiizzz bakit kaya..
============
dahil siguro sa panahon ngayon…
Agosto 4, 2008 at 3:55 umaga
oo mabuhay ang mga tamad!!! hehehe at isa dun ako!!!
============
ngek!
Agosto 4, 2008 at 9:29 hapon
Ansarap naman ng weekend mo. Ako heto puro na deadlines at hindi ko pa alam kung pano tatapusin ang mga post ko kasi pasulpot-sulpot nag mga ideas ko tapos mawawala. so ibig sabihin hindi ka nag iisa diba?
One more thing, ikaw lang ata ang narinig kong nagrereklamo dahil konti ang workload at maraming free time? pwede bang mag pass ng resume jan?hehehe
===========
pareho pala tayo,pag hindi pa ako nagtatype ng entry dami ko naiisip tapos pag nasa harap na ako ng pc wala na…
ok lang naman sa kin pag kunti ang workload keri pa,pero pag ung totallyb wala i tell you sakit sa ulo.yung puro games at net lang,nakakasawa din.
Agosto 5, 2008 at 1:25 hapon
visit lang
==========
balik po kayo