kelan ba ako huling napapadpad dito?

medyo matagal tagal nga ang aking pagkawala. akala ko nga ay di na ako muling makakabalik pa sa mundong minsan ng naging bahagi ng aking pang-araw araw na buhay. ilang beses din ako nagtangkang magsimula subalit sadyang windang pa ang aking mundo para sa isang panibagong umpisa.

mahirap talaga arukin ang buhay.napakaraming bagay na napakahirap unawain at ipaliwanag. napakaraming katanungang pilit hinahanapan ng kasagutan ngunit lahat ay pawang nauuuwi lang sa kabiguan.

kahit iwas na iwas kang masaktan ay darating pa rin ang araw na makakaranas ka ng sakit. na kahit piliting tumawa at ngumiti ay di pa rin mapigilan ang pagluha ng puso.

pero tapos na ang panahon ng pagdadalamhati. tama na ang pag-iyak.

ipagpatuloy ang buhay.

ipagpatuloy ang pagbablog!