matagal ko ng gustong tumaba at ngayon ay unti unti ng natutupad ang pangarap kung ito. tumatambok na ang aking mga pisngi. nagkakalaman na ang aking mga braso at hita. pero ang pinoproblema ko naman ngayon ay ang paglaki rin ng aking tyan. kakambal pa talaga ito ng pagtaba? pansin ko kasi yung mga matataba, malalaki rin ang puson at tyan.
sanay akong flat ang abdomen ko, kaya di ako comfortable sa pagbabago nito. kaya naisipan kung mag-exercise para maagapan ito.
ito ang aking exercise regimen:
1. partial sit up. oo partial lang at hindi ang nakasanayang curl-up. ito yung tipong tama lang na naangat ang scapula ( paypay ) sa hinihigaan habang nakatiklop ang mga tuhod ( pwede rin namang nakaunat).sa ganitong paraan mas nagcocontract ang mga abs dahil sa curl up more on iliopsoas ang naeexercise. tapos ihohold ko sya ng 10 counts then release. una ko syang ginawa na 10 repititions pero everyday ay iniincrease ko ng 5 reps.
2. alternate leg raise. self explainatory na siguro ito. supine position pa din. tapos same hold at reps sa partial sit up.
3. simultaneous leg raise. pareho lang ito ng number two. sabay nga lang itataas ang mga paa.
yun lang. simple para sa mga taong kagaya kong tamad mag-exercise. di gaanong nakakapagod pero surely effective. di lang pala to pampaliit ng abs, pwede rin itong exercise ng mga may low back pain a.k.a lumbago.
Setyembre 20, 2008 at 8:01 hapon
haha. buti ka pa, ako gusto ko pumayat. medyo bilog kasi ako eh.
Setyembre 21, 2008 at 12:15 umaga
Do more whole-body exercises rather than concentrating on your abdominal muscles
. The fats on the abdominal areas are the last ones to burn.
Setyembre 21, 2008 at 10:27 umaga
napansin ko kasi paghininto mo siya.. naghihigante siya.. mas lalong lalaki pa sa dating size.. ahehe.. cheers-glesy the great
Setyembre 21, 2008 at 5:51 hapon
WE ARE ON THE SAME BOAT! WOO HOO
Setyembre 25, 2008 at 10:19 umaga
ako tumatayo lang ako pag katapos kumain. at flat ung puson ko. That was b4… peo ngayon problema ko simula ng mag manage ako ng cafe iyon medyo lumaki palibhasa lagi na akong naka upo. Payat ung tyan ko peo puson ko umumbok. Di ganun ka laki peo xempe d ako sanay. Kaya problema ko kung panu ulit paliitin.
Setyembre 25, 2008 at 11:50 hapon
pambihira, swerte mo naman .. gusto mo magpataba? grabe… wish ko rin yan instead na sabihin ko gusto ko magpapayat pero super weak ang flesh .. the spirit is willing, kaya ang result lalong tumataba..
regarding your question sa tyan na tumataba.. talagang ganyan ata pinoy body structure kasi yung mga aleman pag tumataba sila sa legs nila napupunta una, kaya believe ako dito eh daming taba ng legs pero flat pa rin puson. weird
Setyembre 27, 2008 at 8:17 hapon
awts! ako matagal ko na gustong tumaba pero heto at wala talaga!
tingting pa rin ako!
wapaK!