balik estudyante kami dito sa opisina for the second time around.ngayon ang part two ng lecture and exam na ikaconduct ng client service team para i-orient ang mga employees tungkol sa mga produkto ng aming opisina at kung anu ano pang where abouts.

animo ay magboboard exam ang ilan dahil talagang sandamakmak na photocopy ang hawak nila at panay ang memorize ng mga mantras at q and a sa mga dati ng natake-up.maliban nga naman sa prestige kapag naperfect mo ang exam ay may premyo pa.

pero ang natatawa ako ay ang pagkalat ng leakage. akalain mo yun? akala ko sa mga estudyante lang uso yun, pati rin para sa mga professionals.ha..ha.. natatawa talaga ako kasi kung sino pa yung mga may edad sila pa ang naunang nagpatronize ng leakage.kunsabagay naiintindihan ko naman yun dahil sa tagal na nilang wala sa school ay tiyak kinalawang na ang kanilang mga neurons. pero in fairness generous ang mga lola nyo kasi akong walang kamuwang muwang at nabablog lang ay inabutan rin nila. kaso nung binasa ko parang wala ako maintindihan. memorizing without understanding? parang mahirap ata yun kasi malaki ang posibilidad na kapag na mental block ka. nungka! wala ka maisasagot.

bigla ko tuloy naalala noong nagrereview ako para sa board exams. bawat pader at kisame ng kwarto ko may nakapaskil na kung anu-ano. nariyan ang walang katapusang milestones, origin,insertion,nerve supply at actions ng mga muscles,may mga drawing pa ng circle of willis, blood flow. tapos ang mga books ko puno ng highlights at sulat. pangarap ko rin kasi noon bukod sa pumasa ay mapasama sa top 20. kaso top 10 lang ang nakalagay sa dyaryo. di ko alam kung pang ilan ako.basta ang alam ko point something lang lamang ng top 10 sa akin. siguro top 11 ako..(sige na pagbigyan nyo na ako.) :)

medto napalayo na ata kwento ko. aral muna ako. mahirap na mabokya. wish me luck ;)

nagmamadali ako sa paglalakad kanina papuntang sakayan malilate na naman kasi ako. pero di lumampas sa mga mata ko ang isang magandang senaryo na nagdala sa akin sa mundo ng introspection.

may nakasalubong akong couple. di ko alam kung mag-asawa o mag-jowa pero isa lang ang masasabi ko nagmamahalan sila. pano ko nasabi? kasi kita sa mukha nila ang saya habang magkahawak kamay sila. habang ang mga free hands nila ay may dalang sako at supot ng mga basura.

marahil isa sila sa mga nakatira lang sa tabi tabi at naghihikaos sa buhay. pero hindi ba’t napakasarap pagmasdan na nakuha pa rin nilang ngumiti at nakikita mo ang pagpapahalaga nila sa isat isa sa kabila ng kanilang kalagayan. di tulad sa iba na sagana naman sa buhay pero ang aga aga pa lang ay nagsisigawan at nagmumurahan na.

kung ako ang pagpipiliin, mas gugustuhin ko ang isang payak na pamumuhay ( pero yung may sapat namang pangangailangan ) na puno ng pagmamahal at kapayapaan kesa sa isang magarbong buhay na araw araw na may kaguluhan at kawalan ng panahon sa mga mahal sa buhay.

hindi ako pharmacist, hindi rin naman ako chemist. isa akong physical therapist. subalit di ko mawari kong bakit ako napadpad sa mundo ng pharmaceutical research.

at dahil sa nature ng trabaho ko, araw araw ay toxic ang utak ko sa iba’t ibang gamot mula pilipinas, indonesia, south africa at thailand.at pagod ang mata ko sa pagbasa ng mga sulat kamay ng mga doktor na daig pa ng kinder kung magsulat. mantakin mo minsan ay first letter lang ang nababasa at the rest ay pawang drawing na lang. ewan ko ba kung parte talaga ng curriculum nila na dapat pangitan ang sulat para sila at pharmacist lang ang makakabasa.pero sori na lang sila dahil gaano man nila pangitan ang pagsulat ay natutukoy ko pa rin ang nais nila ipahiwatig. ehm..gifted ata to. sayang naman ganda ng mata ko kung di ko kayang basahin yan noh ;)

sa ngayon ay naka-focus ako sa philippines. ewan ko ba feeling ko ito ang pinakaboring na project. pinaka feel ko ang south africa dahil bukod sa kunti na ang gamot ay may kwento pa kung bakit binigay ng gamot yun sa pasiyente. halimbawa: drug given: utin 400 mg. desired effect: antibiotic,diagnosis: wound face ( ganyan talaga grammar nila) reason: hit by husband, at my kadugtong na prescription: hit him back! oh di ba cool ni doc. pero isa lang napansin ko sa 4 countries na hawak ko sa south africa talaga ang pinakamaraming diagnosis na HIV at AIDS. kunsabagay sa africa naman talaga ang origin ng mga sakit na yan.

sa ngayon feeling ko ay natupad ko na rin ang pangarap kong maging doktor sa dami ng alam kung sakit at gamot para sa mga sakit na yun. kulang na lang diploma at lisensya pwede na akong magpatayo ng sarili kong klinika.

hindi ko alam kong nakailang draft ako bago matapos ang tag na ito mula kay aga. pero dahil malakas sya sa akin, kahit sumuko na ang aking mga neurons ay pinilit ko pa ring matapos kahit medyo korne at kulang sa arrive at aking nabuo.

Rules:

Create a short erotica of not more than 200 words, with the following words that can only be used once in the story:

1. sleepover – nakitulog
2. whip – latigo
3. handcuffs – posas
4. leather – katad
5. sexy – seksi
6. threesome – tatluhan
7. hairy – mabuhok
8. shotgun – shotgun
9. squeeze – pisil


here it goes…

nag-sleep over ako kina johny kasama si mary ann. may once in a lifetime raw kaming gagawin.

umpisahan na natin yakag ni mary ann. nababagot na kasi ako eh.basta tayo tayo lang makakaalam nito ha? sambit ni johny. bahagya akong napangiti.may natitira pa palang kahihiyan sa katawan itong si johny. pumasok na kami ng kwarto. anong posisyon ang gagawin natin? tanong ni johny. patuwad na lang, para walang hassle, ang sagot ko. sandali lang.sabat ni mary-ann.i-posas muna natin si johny para mas exciting.tapos hawakan mo itong latigo na may hawakang katad para di sya makapiglas.umangal si johny pero wala syang nagawa sa kagustuhan namin ni mary ann kaya nagpaubaya na lamang sya.nakadapa na ngayon si johny sa kamang pang tatluhan. huhinubad ko ang suot nyang pantalon.mabalahibo pala itong si johny, di ko kasi sya nakitang naka-shorts. pagkatapos ay isinunod ko naman ang kanyang brief at tumambad sa akin ang matambok na pwet ni johny na parang pagmamay-ari ng isang seksing babae. tiningnan ko si mary-ann.nakangiti itong pinagmamasdan kami. sinimulan ko ng pisil pisilin ang kanang bahagi ng pwet ni johny hanggang sa labasan ito ng malagkit at malapot na nana mula sa pigsa.kasunod nito ay may pagsabog akong naring na animoy shotgun.napautot pala si johny sa sobrang sakit!

now i am passing this tag to:

teacher zapped

ate pokwang

wei vines

kelan ba ako huling napapadpad dito?

medyo matagal tagal nga ang aking pagkawala. akala ko nga ay di na ako muling makakabalik pa sa mundong minsan ng naging bahagi ng aking pang-araw araw na buhay. ilang beses din ako nagtangkang magsimula subalit sadyang windang pa ang aking mundo para sa isang panibagong umpisa.

mahirap talaga arukin ang buhay.napakaraming bagay na napakahirap unawain at ipaliwanag. napakaraming katanungang pilit hinahanapan ng kasagutan ngunit lahat ay pawang nauuuwi lang sa kabiguan.

kahit iwas na iwas kang masaktan ay darating pa rin ang araw na makakaranas ka ng sakit. na kahit piliting tumawa at ngumiti ay di pa rin mapigilan ang pagluha ng puso.

pero tapos na ang panahon ng pagdadalamhati. tama na ang pag-iyak.

ipagpatuloy ang buhay.

ipagpatuloy ang pagbablog!

Naunang PahinaBagong Pahina »